Hindi ako MASOKISTA!
Ayoko mang tanggapin pero totoo nga ata! Kagaya ngayon, dapat natutulog na ko pero ano? Eto kanina pa ko nakaharap sa pc at nakikipagpalitan ng email sa TX Board at sa FCCPT kasi umaga ngayon sa kanila at gabi naman dito kaya eto sinasabayan ko sila sa pagtratrabaho! Yun nga lang iba ang trinatrabaho ko! Haha, sounds bastos pero hindi, pramis!
Kung tutuusin wala na dapat akong iniintindi dahil me lisensya na ko, yun nga lang sa IL ang lisensya ko at nasa TX naman ang employer ko so anong ibig sabihin nun? Isa lang...kelangan kong magpa-endorse sa TX bago ako makapagtrabaho! E ang siste, TX ang state na maraming requirements bago ka makapasok, in short mahirap at dadaan ka muna sa butas ng karayom bago ka bigyan ng lisensya! At yun ang nangyayari sa kin ngayon!
Sa summer balik school ako. Bakit kamo? Kasi kulang ang curriculum ng pinas compared sa curriculum ng TX! Naknang! I need to take up Biology, comparative physio and another psychology course! Ang saya diba!
E bakit nga ba ko nagpapakahirap pa? Ewan ko ba, tanong ko din yan!
Still Im hopeful.
Di bale this too shall pass at after ng lahat ng 'to for sure yayaman na si adik! Amen!
1 Comments:
korak! yayaman na ULI ako! bwahaha! Sya Nawa!
I LOVE YOU VERY MUCH! Sabi ni God, sabayan mo daw akong mag-aral! wahehe!
Post a Comment
<< Home