Sunday, April 03, 2011

...

di ko alam kung dapat ko ipagpasalamat ang pagpunta mo dito kasi kung kelan andito ka saka naman tyo nagkakagulo. buti pa nung nasa pinas ka pa wala tayong issue. nung pagdating mo dito sa houston at nagkasama tyo ng ilang buwan, ok naman tayo. nag umpisa lang ang lahat paglipat mo dyan sa stamford...mula ng makilala mo yang kaibigan mo na laging tama sa paningin mo. tama ka, ayaw mo isipan ka nya ng masama...na wala kang kwentang kaibigan naiintindihan ko yun. pero parang palagi nalang ako ang mali kapag nasisita kita tungkol sa kaibigan mo na yan. pakiramdam ko mas mabuti na ako ang mawala sa buhay mo para magawa mo ang gusto mo kesa sya na kasama mong ginagawa ang mga yun. siguro nga iba lang tyo ng pananaw sa buhay. para sa'yo masyadong malaking kasalanan ang mahalin ka ng sobra. kaya nga ako iniwan nung ex ko diba kasi masyado ko syang mahal kaya kahit apat na beses na nya kong ginagago andun pa rin ako parang asong sunod sunuran sa kanya.

bakit ganun, kahit anong pagmamahal o pagbibigay ang gawin ko sa huli ako pa din ang mali...ako pa din ang iniiwan. hindi ako magiging sapat para sa'yo o sa kanino man. lalabas pa rin akong walang kwenta. naka-awa naman pala ako. ngayon ko nararamdaman ang awa sa sarili ko.

hindi ko alam kung kulang ako sa dasal. dati kasi araw araw kong dinadasal na hawakan Nya ang magkabilang kamay natin para matupad yung mga pangarap natin. hindi ko na matandaan kung kelan ko huling dinasal yun. ngayon, di ko alam kung anong idadasal ko...siguro na sana e malagpasan ko to, na makabangon ulit ako. yun siguro ang dapat dasalin sa ngayon. kahit alam mo na na mahal na mahal kita gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita pero wala kang karapatang saktan ako ng ganito. wag ka mag-alala sa kin magiging ok din ako. mahihirapan akong bumangon sigurado yun pero kakayanin ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home