Natawag Ka Na Bang Sir?
Tanong sa kin ni adik yan kagabi. Napagisip tuloy ako. Ilang beses na ba? Hmmm...sa natatandaan ko, siguro mga tatlong beses na...dyan sa Pinas pero hindi dito sa Qatar. Sa tatlong beses na yun, 2 dun ang alam kong hindi sinasadya at isa ang sadya. Anong dahilan? Ewan, nangaasar lang malamang. Kung papatulan mo ikaw ang talo. Isipin mo nalang na malaki ang galit ng mamang yun sa mga babaeng mas gwapo pa kesa sa kanya. Baka inggit lang kasi ikaw may girlfriend, samantalang syang lalake...wala! Ganun talaga, you cant please everybody. Masyadong masalimuot ang mundo sa mga taong katulad natin. Homophobia still exist. Tatay ko nga homophobic, what more yung ibang tao. Swerte mo nalang kung lahat ng taong makakasalamuha mo maiintidihan at matatanggap kung ano man ang choice mo. Pero kung tanggap mo sa sarili mo kung ano ka at kung sino ka, tatawanan mo nalang malamang kung ano man ang sasabihin ng iba.
dahil...
di ka naman nabubuhay para sa kanila.
pero...
kung ipipilit pa rin nila sa 'Sir' ka kahit sinabi mo nang 'Mam po, hindi sir!'
Aba...Aba...
Sapakan nalang!
1 Comments:
basta ayusin ang pagsusuot ng cap, alang away! amf! un na un!
bwahehe!
Post a Comment
<< Home