Wednesday, January 25, 2006

Apat

Image hosting by Photobucket


apat na stick ng yosi
di mabilang na hithit
di mabilang na buga
sa bawat stick na maubos
isang buntong hininga
hanggang maka-apat
pero kulang pa
di pa rin maalis ang galit at inis sa katawan
sobrang naghihimagsik ang isipan
gustong manuntok
pero sarili ang sinasaktan
di maisip kng ano pa bang kulang
lahat ginagawa
lahat kinakaya
bawat utos
sunod ng walang palya
pero sablay pa rin
may mali pa ring nakikita
sana pala di nalang yun kinuha sa kanya
pinabayaan ko nalang sana
kung ngayon yun lang din pala ang magiging dahilan
ng samaan ng loob na wala namang kwenta
apat na stick pa lang ang nauubos sa isang kaha
may labing anim na stick pang natitira
maaga pa naman
alas syete pa lang
kaya pang humithit ng labing anim pa
hanggang di na pait ang malasahan
hanggang wala ng maramdaman
PUTANG INA
PUTANG INA
PUTANG INA
Ang saya saya!
huhulaan ko
malamang pag ito ay nabasa
makakagawa na naman ako ng bagong istorya
magbubukas ng bagong kaha
maaadik na naman ako
sa kakahithit buga
mapupuno na naman ng usok
ang malinis ko ng baga
dahil huminto na ko sa paghithit
matagal na
kaya kung mabasa mo man
wag mo sanang hayaang
maglaro ulit ang usok
sa aking katawan
naglalabas lang naman
ng sama ng loob dahil walang masabihin
kaya yosi ang ginagawang kaibigan
PUTANG INA
ayoko na ng drama!

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

aha! bad ka! hmmpptt!!!

8:24 PM  

Post a Comment

<< Home