Friday, July 18, 2008

The Man!

I love BOB ONG! He's a god...kung meron nga ba talagang BOB ONG, yun ang tanong! Sa pagkakaalam ko pen name lang yan, galing sa BOBONG PINOY. Ok sa alright ang mga hirit nya. Kakatuwa. Me halong kalokohan at kagaguhan ang mga sinusulat nya pero me sense kasi totoo hindi lang basta patawa! Basahin mo ng matuwa ka!

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. Wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher (haaay, sarap!)."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

"Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan."

"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "

"Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan...""

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."



1 Comments:

Blogger Summer Fire said...

love ko rin siya : ) sana nga may makaisip na gawing required reading ang mga libro niya especialy the first 2. daming mind opener na thoughts.

9:57 PM  

Post a Comment

<< Home