Wednesday, May 18, 2005

Tsinelas

Image hosted by Photobucket.com

Gusto ko ng pagpahingahin ang tsinelas ko. Matagal tagal na rin ang naging serbisyo nya sa kin. Simula pa lang ng pagdating ko dito dala ko na sya kaya kung isusuma mo magtatatlong taon ko na rin syang kasama. Okay pa naman kung titignan mo pero medyo pudpod na at madumi na. Yung bang tipong kahit anong linis ang gawin mo sa kanya nakadikit pa rin yung dumi dahil sa tagal. Nag-iba na ang kulay...kulay luma na.

Pero kahit na ganun na ang itsura nya nanghihinayang pa rin akong itapon sya. Masarap kasi sya suutin sa paa. Hindi nya ko binigyan ng problema. Kahit kelan di ako nagkapaltos sa kanya. Di tulad ng ibang tsinelas, peklat ang binibigay sa paa ko lalo na kung bagong suot. Siya ni minsan di ako sinugatan. Di ako sinaktan. Sadyang naging maingat sya.

Sa araw-araw na ginawa ng Dyos, sa tuwing uuwi ako ng bahay sya agad ang hinahanap ko. Sya ang sumasalubong sa kin pagkagaling ko sa trabaho. Matyagang naghihintay buong araw. Naiinip man ngunit andyan pa rin at di umaalis. Naniniwalang kahit anong mangyari sya pa rin ang hahanapin ko sa aking paguwi.

Naghihintay...
Naniniwala...
Nag-aabang...

Di katulad ng iba dyan bigla nalang nangiiwan.

--------------------------

Buti pa ang tsinelas ko kahit luma at madumi na may partner pa rin...laging may kapares di pwedeng nag-iisa...

Samantalang ako...wala...

PA...

-----------------------------
Senti na naman...
Ngayon lang 'to, pramis bukas hindi na =)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home