Wednesday, July 13, 2005

Babies, Boylets & Bodies!

Image hosted by Photobucket.com

Boy ang magiging baby ni Antit and pareng Karling! Whooohooo congrats!
Pero teka...ano ba meron sa Qatar at puro baby boy nalang ang lumalabas?!
Ilan na ba sila...Hmmm...marami-rami na!
Ang titinik ng mga semilya dito pramis! Buo agad walang sablay! Pag labas boy pa!
Kudos sa mga kaibigan kong tatay na at magiging tatay pa lang!

--------------
May bago daw boylet si kuting at chuvecs!
Sabi na nga ba mali si nora..."MAY HIMALA!"
Bwahaha!
Dahil sa pagiging NPA (No permanent address) ko sa trabaho ayan nahuhuli na 'ko sa balita!

KUTING: Haba ng hair mong babaita ka! Siguraduhin mo lang na mas gwapo sa kin yun ha! Kapmuks! Hehe!
CHUVECS: Baka yan na ang hinihintay mo! Ayan, di ka na magrereklamo na lagi nalang 'friend' ang date mo...ngayon baka 'boypren' na! Gudlak bakla!

---------------
Nung papunta ako sa parking kanina para bumili ng food, nakasalubong ko yung isa kong ka-building na nurse. Kabatian ko sya, kumare pa sa isa ring baby boy na inaanak namin pareho...pero nakalimutan ko name nya! Bad! My alzheimer's strikes again! Kababalik lang nya galing bakasyon. Kwentuhan ng konti tapos sabi nya ang taba na daw nya. Halata naman. Bumilog kasi. Tagal din naming di nagkita. Months na siguro ang binilang. Tapos, bigla nyang sinabi sa kin...'Ang payat mo pa rin, sexy ka na talaga!' Sagot ko naman...'Ganun talaga, naging sawi e!' Biglang hirit nya bago magsara yung elevator paakyat sa flat nya... 'Hanggang ngayon ba naman sawi ka pa rin?!' Natawa ako, pahabol ko...'Di na, masaya na ulit ako pramis!' =)

1 Comments:

Blogger -bubwit said...

MABROOOOKE ANTIT & KARL!!!!

(if that's what I understand from my broken tagalog)!!!!

3:24 AM  

Post a Comment

<< Home