Saturday, July 02, 2005

Kapag Sinabi Ko Sayo

Image hosted by Photobucket.com

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
Na di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y ibigin mo akong mulat ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y yakapin mo ako, kasama ang aking mundo


----------------
para sa'yo...
mahal kita...
ngayon at sa mga susunod pang panahon...

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nice song baby!

bakit si gabby concepcion, lagi na lang kinakasal??

ahahaha! I LOVE YOU VERY MUCH!

1:19 PM  
Blogger CuteJugglerJeN said...

ADIKSAKIN: Ganda noh?! =) Swak! Ano??? Bakit naman nasama si gabby conception sa usapan?! Ano ba nag-aadik ka na naman ha! Nilalamangan mo na ko nyan! Bwahehe!

I LOVE YOU SO MUCH by! =)

2:24 PM  
Anonymous Anonymous said...

ha? di mo alam un kanta na un?? gary granada rin? di ko sure ano un title..."mabuti pa" ata?

buset na smart..not so smart at all!

I LOVE YOU VERY MUCH baby! missing you!

3:02 PM  
Blogger CuteJugglerJeN said...

ADIKSAKIN: Ah yun ba?! 'Lam ko yung song na yun! Wa konek ka kasi sa post e! Adik ka talaga! Pero kahit na adik ka Luvs pa rin kita! Bwahehe! I LOVE YOU BABY!

3:15 PM  

Post a Comment

<< Home