Monday, May 16, 2011

Emotional Diarrhea

Hindi ko na iisipin ang mga bagay na nagbibigay ng sakit sa kin...
Hindi na kita kukulitin kung ano ang nangyari at kung pano nangyari yun...
Hindi ko na pahihirapan ang sarili ko sa kakaisip kung san ba ko nagkulang...
Hindi ko na itatanong sayo kung mahal mo ba talaga ko o kung gano mo ako kamahal...

Kailangan kong matutunan na piliin lang ang mga bagay na dapat kong isipin o pagtuuan ng pansin...
Kailangan kong matutunang tanggapin ang nakaraan dahil hindi ko na maibabalik pa yun kahit ilang kaha ng yosi pa ang maubos ko...
Kailangan kong paalalahanan ang sarili ko na hindi ako kulang sa taong di naghahanap ng sobra...na sapat ako bilang ako...

Na hindi ako masamang tao...
Na hindi ko deserve na lokohin ng kahit sino...
Na mamahalin ako ng taong mahal ko ng buong buo at walang kahati...






If it's a broken part, replace it
If it's a broken arm, then brace it
If it's a broken heart, then face it...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home