I adore my father. Pero hindi nya alam yun dahil hindi ko naman sinasabi sa kanya. Kahit kami lagi ang magka-away dahil pareho kaming strong personality, I look up to him like my hero. Kahit hindi ako lumaking kasama sya, taas ang kamay ko sa kanya dahil hindi ko nakita kahit isang beses na nahirapan o umiyak ang nanay ko dahil sa kanya. Nakikita ko lang na nahihirapan o umiiyak ang nanay ko kapag dumadating yung araw na ihahatid na naman namin sya sa airport para magtrabaho sa malayo. I don't think my father is perfect but I know he loves my mom more than anything. Hindi ko din alam kung nagkaron ba sya ng babae sa ibang bansa pero sa tingin ko hindi. Pag magkasama silang mag-asawa, nag-aaway o nagkakatampuhan din naman sila pero minsan dahil din yun sa pang-aasar ng tatay ko. Pero sya din naman ang sumusuko at uma-amo sa nanay ko. Sya din ang tumitiklop.
35 years na silang kasal this coming June. Alam ko mabigat sa tatay ko na maging malayo sa nanay ko pero that's life at tanggap nila yun. Kapag may pagkakataon naman na magkasama sila e hindi nila pinapalagpas yun. Sya ang driver at shopping buddy ng nanay ko. Ang nanay ko naman ang tagaluto at tagatimpla nya ng kape sa maghapon. It works for both of them.
Tahimik na tao ang tatay ko. Ang buhay nya trabaho at bahay lang at minsan shopping pag kasama nya ang nanay ko. Mabibilang ko sa daliri ko kung ilang beses ko lang syang nakitang nakipag-inuman o sosyalan. Pati ata yun minana ko. He doesnt have many friends but he has a few that I know he trusts at kontento na sya dun. Sila lang talaga ng nanay ko ang best buddies but they're happy.
I adore my father. I adore him because he showed me how to treat my woman good. He instilled in me the importance of faithfulness, of trust, of respect, of forgiveness, of loving with all your heart, of making relationship work, of being the bestfriend of your wife and of keeping promises.
The way I love is the reflection of how he is...And I hope somehow I am making him proud.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home