Sunday, January 16, 2005

San Nga Ba Tyo Papunta?



Someone forwarded this to me...nice one that's why I decided to post it. Read on...


Medyo matagal na rin pala bago ako ginanahan uli. Matagal tagal na rin mula nung huli ako nakaisip ng mga bagay na dapat isipin. Actually, kung ano-ano na nga ang pinag-iisip ko nung nakaraan, karamihan wala pa nga kwenta. Sayang lang sa panahon. Marami na rin pala ang nangyari...mga bagay na di ko akalain, pero kung tutuusin, dapat nuon ko pa in-expect. Dapat sa edad nating ito, di na bago ang mga bagay na talaga namang dapat mangyari gayong ganito talaga ang mundo. Sabi nga nila, bilog nga ang mundo. Pero sa totoo lang pati ang buhay bilugan talaga. Me pagkakataong sa ibabaw ka nagpapakalunod sa ligaya gayong me natatapakan ka na pala. Dumarating din ang araw, mga paa na pala nila ang nakatungtong sa mukha natin at sila naman itong nagtatawanang parang baliw habang naka-handusay na tayo sa sahig. Nakakatakot kung tutuusin ang maging masaya kasi bigla na lang ito binabawi. Kung kelan nag-eenjoy ka na me sumusundot na pala sa likuran mo para agawin ito sa iyo ng basta-basta gayung ikaw naman si tanga walang ginagawa kasi wala ka naman talaga magagawa pa. Nakakatakot na rin maging malungkot kasi habang nagdudusa ka mahirap umasa na matatapos din ang lahat, lalo ka lang mabubwiset...at habang nabubugnot ka na sa mga pangyayari saka ka naman gagatungan ng mga walang magawa sa tabi mo....kakasuya!

Sabi ko nga, kahit di na ako yung masaya, kahit ikaw na lang. Akala ko ganun lang yun kadali. Madali sabihin pero sa katotohanan, parang sinabi mo na madali lumunok ng buhay na baboy, o kaya e mangitlog ng isang dosenang itlog ng ostrich. Mahirap din pala, lalo na kung wala ka naman talagang sariling saya na nararamdaman. Para mo lang niloloko ang sarili mo nyan. Pero sabi nga nila, ang pinaka-masarap lokohin ay ang sarili mo.... kasi kahit anong oras pwede mo sabihing, "Nagbibiro lang ako".... bawal mapikon.

Sabi ko nuon, kaya ko kalimutan ang lahat ng bagay para lang masabi ko na "kaya ko na ang Bukas ".....lintek pwede ko ba bawiin yun?! Kahit ano pala ang sabihin ng tao, mahirap makalimot dahil nasa utak mo na yun.... parte na ng sistema mo...bahagi na ng dugo mo..bahagi na ng baga mo..bahagi na ng iniihi mo sa araw-araw. Di ka na makakalimot pero pwede ka matuto. Pwede mo matutuhan na umiwas sa mga pwedeng mangyari. Pwede kang madala...libre yun...walang bayad! Mahirap talaga ang buhay lalo na kung di mo kaya sakyan ang bawat pangyayari. Kaya mabuti pa humarap na ako sa katotohanan na sadyang di ko makukuha ang lahat ng gustuhin ko. Maibibgay sa akin ng Diyos ang pangalan ko, pero hindi ang mapaglalaanan ng apelyido ko. Maibibigay sa akin ng Diyos ang sagot sa mga katanungan ko, pero ang tanungin ka kung bakit mahihirapan akong malaman.

San na nga ba ako patungo ngayon? Kung hahayaan kong malugmok ang sarili ko sa kalungkutan malamang wala talaga ako marating, pero kung matututunan ko lang umunawa alam ko na kung saan ako patungo...

Matagal-tagal na rin mula nung huli ako ginanahan....

Pero sana sa susunod na makita kita...

Malimutan na kita....



--by Jojo Crisologo

0 Comments:

Post a Comment

<< Home