Saturday, August 06, 2005

Image hosted by Photobucket.com

Ilang beses na ba kitang nakita? Ilang beses napuntahan? Ilang beses nadalaw? Hmmm...kung bibilangin ko, nakakahiyang malaman na mangilan ngilang beses lang. Pero kanina nung makita kita gumaan ang loob ko. Parang ang tagal tagal na kasi. Ilang minuto lang ba yun? Medyo matagal din akong naupo at nakipagkwentuhan Sayo. Wala kasing tao kaya di Ka masyadong busy. Di magulo. Masyadong tahimik. Pero mas gusto ko yun dahil mas nakausap Kita ng mabuti. Araw araw naman nakakausap Kita pero iba sa lugar na yun. Ewan pero basta iba. Sablay man ang punta ko, wala man ako sa timing ok lang. Iisa pa rin naman ang ipinunta ko dun...IKAW. Usap tyo kanina. Sinabi Ko sayo lahat. Sobra sobrang pasasalamat mula sa pinakamaliit na bagay hangang sa malaki. Sa lahat ng nakaraan, pangit man o magandang nangyari. Lahat siguro yun meant to happen kasi hindi ako magiging kung ano man ako ngayon kundi dahil sa lahat ng yun. Tama siguro sila, 'you dont always get what you want, but you always get what you deserve.'

Akala ko nun may favoritism Ka. Minsan kasi parang di Ka nakikinig. Halos mamalat na ang boses ko sa kakasigaw pero parang bingi Ka pa rin. Hindi ko maintindihan kung ano bang gusto Mong mangyari. Nawindang ako Sayo. Ayoko na ngang humiling e kasi alam ko na malamang sa hindi, malabo Mo yun ibigay pero I took my chance. Wala namang mawawala kasi humiling man ako o hindi Ikaw pa rin ang nakakaalam kung anong dapat para sa kin. Pero nagulat ako kasi pinaunlakan mo ang hiling ko! Di ko yun ineexpect. Wala sa hinagap ko na ibibigay mo. Pero talagang marunong Ka walang kakwestyon kwesyon dun. At dahil dun masaya ako ngayon. Sobra. Kaya naguumapaw din ang pasasalamat ko Sayo. Isa lang ang maipapangako ko... Mamahalin ko sya at aalagaan...at kung ano man ang meron ako ngayon hindi ko yun hahayaang mapunta lang sa wala...

...

...

...

...

...

Akala ko noon natutulog Ka...hindi pala...

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

chus! sino aalagaan at mamahalin mo? pinangako mo sa Kanya yan...tuparin mo!

11:56 PM  
Blogger CuteJugglerJeN said...

ADIKSAKIN: Chus! Nagtanong pa 'to kung sino! Naknangcowy ha! Hehe! I dont make promises I cant keep! That's for sure!

I
LOVE
YOU
SO
MUCH!

4:11 AM  

Post a Comment

<< Home