Next stop
Malapit na akong lumipat ng ibang city. Malapit ko ng iwanan ang pinaka-unang trabaho ko dito sa Amerika. Nabibilang na ang araw ko dito sa apartment ko. Aminin ko man o hindi pero kahit papano nalulungkot ako. Alam kong Im just a body at work pero nung hinandaan ako ng mga kasama at kaibigan ko sa trabaho ng get away party at halos lahat sila dumating, naramdaman ko kahit papano na mahalaga ako. Lagi nila ako tinatanong If Im excited. Ang laging sagot ko "No. It's mixed emotions." Alam kong mahihirapan na naman ako sa mga unang araw, linggo o buwan ko sa trabaho dahil ibang setting na naman yun pero iniisip ko nalang na kailangan kong matuto. Kailangan kong lawakan kung ano man ang alam ko. Pero sure ko na mamimiss ko ang mga kaibigan ko. Yun lang naman ang buhay ko dito mula ng dumating ako sa Amerika, ospital at apartment.
Ang itsura ng apartment ko ngayon kasing gulo ng utak ko. Ang dami kong gamit na tinapon. Ang dami kong ipinamigay at yung mahahalaga at importante e kailangan kong ilipat sa bago kong apartment. Sana ganun din kadaling itapon o ipamigay yung mga cobwebs sa utak at puso. Iniisip ko, kailangan ko din siguro 'tong move na 'to. Kailangan ko makakita ng bagong surroundings. Kailangan kong makakilala ng mga bagong tao. Kailangan ko ma-experience ang ibang mga bagay. Ito siguro ang sagot sa pagpapagaling ko. Malay natin baka biglang tumino ang utak ko.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home