Monday, September 04, 2006

Huwag Ka Sanang Magagalit

Photobucket - Video and Image Hosting

Huwag ka sanang magagalit
kung sasabihin ko
na hanap-hanap ka
ng aking mga tula.

Huwag ka sanang maiilang
kung tuwing umuulan
isip-isip ko ang init
ng ating katawan.

Ngayon, butas lamang
sa langit ang lahat ng bituin,
Ngayon, sukatan lamang ang buwan
ng layo mo sa akin.

Anumang kuwento
ang simulan ko’y
sa iyo rin nauuwi.
Sa bawat aklat
na aking buklatin
naroroon ang iyong tingin.

Alam ko:
may sarili kang tanong
na dapat sagutin;
may sarili kang misteryo
na dapat harapin.
Huwag magmadali: panahon ngayon
ng liwanag at sari-saring dilim;
Oras ng sugat at lamig
at ng paurong-sulong na pagpapaumanhin.

Ngunit "ELLYN", mahal,
pinakamatalik kong kaibigan,
huwag ka sanang magagalit
huwag ka sanang maiilang
kung aking sasabihin

na tuwing humihinga ako
naaamoy kita,
na tuwing pumipikit ako,
ikaw ang nagiging umaga

~Ramon C. Sunico~


.....
....
...
..
.
Isang buwan nalang magkakasama na ulit tayo
Hindi na ko makahintay
Dahil alam kong eto na ang umpisa
ng matagal na nating inaantay
Para sayo gagawin ko ang lahat
Pipiliting tuparin lahat ng pangarap
Basta alam kong andyan ka lang lagi sa tabi ko
Naniniwala...
Umaagapay...
at laging nagmamahal...

Happy 15th monthsary baby!
I LOVE YOU SO MUCH! Photobucket - Video and Image Hosting

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

makata! ahaha! hay, bawiin mo resignation mo..sabihin mo pinapasabi ko na sa katapusan ka na ng september 2006 uuwi d2 sa akin, ahahaha! atat na ko! mwah! I LOVE YOU VERY MUCH baby! miss you na talaga!

9:35 PM  

Post a Comment

<< Home