Sunday, September 17, 2006

Crossroads

Photobucket - Video and Image Hosting

Eto ata ang tawag dun.

Yung tipong di mo alam kung san ka pupunta. Pakanan ba o pakaliwa. Paatras o paabante. Minsan mapapatunganga ka lang sa kakaisip kung anong dapat gawin. Hihinto sandali para timbangin ang mga bagay-bagay. Hindi mo kasi hawak ang kapalaran.

Nakakatakot. Nakakapraning.

Pero sa sarili mo, alam mong di dapat maging hadlang ang takot para matupad ang pangarap. Ilusyon lang yun.

Sabi nga ng isang kaibigan ko sa profile nya sa friendster, “If you want to achieve your dream in life, you have to be aggressive, and find fuel in any failure. You should not think of anything except what you’re trying to accomplish.”

Swak.

Kaya jen, F...O...C...U...S!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home