Saturday, January 19, 2008

???

Ano ang pakiramdam na nahihiya ang partner mo na makita ka sa lugar nila at ng mga kapitbahay na nakapaligid sa kanila?

Ano ang pakiramdam ng hindi ka maipakilala sa mga kamag-anak niya?

Ano ang pakiramdam ng hindi ka makapunta sa bahay nila dahil alam mong hindi ka naman welcome at kahit anong gawin mo e hinding hindi ka matatanggap ng pamilya nya dahil lesbyana ka?

Tanungin mo ko kung anong pakiramdam at alam na alam ko ang sagot dyan.



----

Kagabi nagkita kita kami ng mga barkada ko nung college. Masaya. Namiss namin ang isa't isa. Halos lahat pamilyadong tao na. After 9 years ganun pa din kami, parang mga bata, nagkukulitan, nagaasaran, nagbobolahan. Alam na alam na namin ang hilatsa ng isa't isa. Kahit sangkatutak na asaran e ok lang, walang napipikon dahil pag napikon ka e lalo kang pagdidiskitahan! Dumating kasi galing Canada yung 2 kong barkadang mag-asawa at ang nakakatuwa e after 5 years nilang magkasama e si misis e on the way na. God's gift talaga. Nakakatuwa silang tignan. Ang sweet sweet pa rin nila. Para pa rin silang mag bf-gf lang. Makikita mo talaga ng inlove pa rin sila sa isa't isa kahit 5 taon na silang nagsasama. Parang pag tinignan mo sila e di sila nag-aaway. Na napaka-smooth sailing ng pagsasama nila. Ang saya nilang tignan. Nakakatuwa. Nakakainggit.

Ganun ang pinapangarap ko. Gusto ko na pag nakita kami ng partner ko ng mga kaibigan ko at ng ibang tao e maiingit sila ka nakikita nilang pagmamahal. Na papangarapin din nila na sana ganun din ang maging relasyon nila...masaya, tahimik, smooth sailing at puno ng pagmamahal.

Siguro nga me kulang.

Minsan mahirap talagang mag-isip.

Sunday, January 13, 2008

I wouldn't Miss this for the world!

Photobucket


MARCH 5
8:00 pm
ARANETA CENTER
Rock & Roll!!!!!