hindi man ikaw si Anne
o si Agua, Cielo, o Tierra
sa totoo lang nagpapasalamat ako
dahil hindi ikaw sila
dahil kung nagkataon magiging kaagaw ko pa
si kulas, adonis at mars.
naaa-a-aaah!
ayaw ko nga!
ayaw ko ng buhay fantaserye
masaya na ko sa buhay natin kahit na minsan masalimuot din
kaya me tama ka!
ikaw lang ang nag-iisa kong Dyosa
na di ko ipagpapalit kahit pa gumanda na si betty lafea
kahit na sa totoong buhay e crush ko si bea
pero ikaw lang naman ang mahal ko
kaya kung susumahin mo
lamang ka pa rin ke bea, betty, anne, cielo, agua at tierra
pero alam mo bang lumamang din ako kila kulas, adonis, mars at sir armando?
bakit kamo?
kasi kahit lamang sila ng sampung paligo sa kin...
....
....
....
....
....
ako pa rin ang pinakamabango sa pang-amoy mo!
haha!
I LOVE YOU SO MUCH baby!Happy 40th!