Wednesday, August 24, 2011

I think its going to rain today...

Wednesday, August 03, 2011

tumbleweed

New dawn, new day. Yan ang umpisa ng isang kanta na narinig ko kanina habang nagmamaneho at habang pasikat si haring araw. New dawn, new day. But why does it seems like Im stuck? Im tired. Im tired of feeling sad all the time. Wala atang araw na walang tumulong luha sa mata ko. Napapagod na akong maging malungkot. Ilang buwan na ba ang nakalipas? Binibigyan ko lang ang sarili ko hanggang anim na buwan makarecover. Kailangan kong makarecover. Not for any one's sake but for my own. Masyado ata akong nadurog ngayon that I can't pick up all the pieces of my broken heart. Pls Jen, be ok.

----

Kamamatay lang ng kinakapatid ko. Pancreatic CA. Mas matanda lang sa kin ng 2 o 3 taon. Sabi nga nila she's too young to die. Nung nalaman ko na nasa tahimik na sya, me inggit akong naramdaman. She's in peace. I envy her for that. Sometimes I wish to just be in peace too. Sabi ko sa kanya sa isip ko na ipagdasal nya nalang kaming mga naiwan dito. Im glad she's with the Lord. No more pain for her. Una-unahan lang talaga yan.

---

Si Mrs x ay isa sa mga patiente ko na demented. Nung minsang tri-ni-treat ko sya, iyak sya ng iyak dahil hinahanap nya ang asawa nyang si Daniel. Miss na miss na daw nya dahil matagal na daw nyang di nakikita. Sa pagkaka-alam ko nag-iisa na sya. Naawa
ako sa kanya. Sabi nya sa kin matagal daw silang kasal ni Daniel at mahal na mahal daw nya yun. Bawat taong makita nya tatawagin nyang Daniel. Nakaka-awa pero dun mo makikita na kahit wala na sya sa tamang pag-iisip, yung asawa pa din nya ang naaalala at naiisip nya. Kung sino man si Daniel, maswerte sya.

---

Some animals like penguins mate for life. Sana ganun din ang tao. Kung animals nakukuhang gawin mag stick to one bakit ang tao na nakakapag-isip di magawa yun? makes me wonder.