Thursday, September 29, 2011

The world is probably mocking me. Bad dream last night. Your ugly face all over my work place. You looked like one of the contract carpet installer at the facility. and everytime I see his face, I see you. If thoughts could kill, you're dead a long time ago, and you're going to die over and over again. And now, the ally mcbeal episode I am watching has your name all over the place. Seriously? WTF. Please just leave me alone. You S.O.A.B!

Wednesday, August 24, 2011

I think its going to rain today...

Wednesday, August 03, 2011

tumbleweed

New dawn, new day. Yan ang umpisa ng isang kanta na narinig ko kanina habang nagmamaneho at habang pasikat si haring araw. New dawn, new day. But why does it seems like Im stuck? Im tired. Im tired of feeling sad all the time. Wala atang araw na walang tumulong luha sa mata ko. Napapagod na akong maging malungkot. Ilang buwan na ba ang nakalipas? Binibigyan ko lang ang sarili ko hanggang anim na buwan makarecover. Kailangan kong makarecover. Not for any one's sake but for my own. Masyado ata akong nadurog ngayon that I can't pick up all the pieces of my broken heart. Pls Jen, be ok.

----

Kamamatay lang ng kinakapatid ko. Pancreatic CA. Mas matanda lang sa kin ng 2 o 3 taon. Sabi nga nila she's too young to die. Nung nalaman ko na nasa tahimik na sya, me inggit akong naramdaman. She's in peace. I envy her for that. Sometimes I wish to just be in peace too. Sabi ko sa kanya sa isip ko na ipagdasal nya nalang kaming mga naiwan dito. Im glad she's with the Lord. No more pain for her. Una-unahan lang talaga yan.

---

Si Mrs x ay isa sa mga patiente ko na demented. Nung minsang tri-ni-treat ko sya, iyak sya ng iyak dahil hinahanap nya ang asawa nyang si Daniel. Miss na miss na daw nya dahil matagal na daw nyang di nakikita. Sa pagkaka-alam ko nag-iisa na sya. Naawa
ako sa kanya. Sabi nya sa kin matagal daw silang kasal ni Daniel at mahal na mahal daw nya yun. Bawat taong makita nya tatawagin nyang Daniel. Nakaka-awa pero dun mo makikita na kahit wala na sya sa tamang pag-iisip, yung asawa pa din nya ang naaalala at naiisip nya. Kung sino man si Daniel, maswerte sya.

---

Some animals like penguins mate for life. Sana ganun din ang tao. Kung animals nakukuhang gawin mag stick to one bakit ang tao na nakakapag-isip di magawa yun? makes me wonder.



Tuesday, July 05, 2011

Raw



Couldn't help but cry when I saw this movie. Hits home.

Wednesday, June 22, 2011

Flawed

Sa loob ng dalawa't kalahating taon mula ng makuha ko ang oto ko, ngayon lang sya nagka-door ding. At nung nakita ko yun nabuset ako. Yun ang pinaka-ini-iwasan ko kaya mas gusto kong magpark sa malayo na walang katabi kesa dun sa malapit na konti lang ang space. nacla-claustrophobic ang oto ko.

Parang buhay lang, kahit anong alaga ang gawin mo sa isang bagay me mga taong walang respeto at walang pakundangan. walang mga pakialam me tamaan man o hindi.

Ngayon wala na akong magagawa. Me door ding na ang oto ko. Di bale kahit me door ding na sya aalagaan ko pa din sya. It is what it is. Parang buhay lang.

Thursday, May 26, 2011

Next stop

Malapit na akong lumipat ng ibang city. Malapit ko ng iwanan ang pinaka-unang trabaho ko dito sa Amerika. Nabibilang na ang araw ko dito sa apartment ko. Aminin ko man o hindi pero kahit papano nalulungkot ako. Alam kong Im just a body at work pero nung hinandaan ako ng mga kasama at kaibigan ko sa trabaho ng get away party at halos lahat sila dumating, naramdaman ko kahit papano na mahalaga ako. Lagi nila ako tinatanong If Im excited. Ang laging sagot ko "No. It's mixed emotions." Alam kong mahihirapan na naman ako sa mga unang araw, linggo o buwan ko sa trabaho dahil ibang setting na naman yun pero iniisip ko nalang na kailangan kong matuto. Kailangan kong lawakan kung ano man ang alam ko. Pero sure ko na mamimiss ko ang mga kaibigan ko. Yun lang naman ang buhay ko dito mula ng dumating ako sa Amerika, ospital at apartment.

Ang itsura ng apartment ko ngayon kasing gulo ng utak ko. Ang dami kong gamit na tinapon. Ang dami kong ipinamigay at yung mahahalaga at importante e kailangan kong ilipat sa bago kong apartment. Sana ganun din kadaling itapon o ipamigay yung mga cobwebs sa utak at puso. Iniisip ko, kailangan ko din siguro 'tong move na 'to. Kailangan ko makakita ng bagong surroundings. Kailangan kong makakilala ng mga bagong tao. Kailangan ko ma-experience ang ibang mga bagay. Ito siguro ang sagot sa pagpapagaling ko. Malay natin baka biglang tumino ang utak ko.


Wednesday, May 18, 2011

Chances Are

"For better or worse, through thick and thin, you've been there by my side, sharing the laughter and the tears through life's uncertain ride. We don't know what the future has in store for you and me, but this I know, without a doubt, the best is yet to be. Happy wedding anniversary to my loving husband! Thank you for all the yesterdays, I appreciate your love today and look forward to all the tomorrows."

Post yan sa facebook ng isang kaibigan ko na nagcelebrate ng wedding anniversary nila. Nung nabasa at nakita ko yan bigla akong nalungkot. Parang gusto kong maiyak. But Im happy for them. Im happy for them that they found each other and stick with each other and kahit nagkakatampuhan sila at isang linggong di nag-uusap...in the end sila pa din ang magkakampi. In sickness and in health walang iwanan.

That kind of love is the love Im always praying for...and still continue to pray for...