Extreme Expression of Love
Napanood ko ngayon yung Valentine episode ng PIPOL. Wala na kaming TFC dito sa flat, pero dahil malakas sa kin si adik, ayun nagsubscribe tuloy ako sa abs-cbn ng isang buwan! Mura lang, $4.95...kayang kaya! Madali lang pagputahan yan! Isang sayaw lang yan sa gabi! Bwahaha! E kung tutuusin yang $4.95 na yan pag ipinangtawag ko yan sa pinas, pucha halos 4 na minutong usapan lang ata yan! (Oo ganyan kamahal ang overseas call dito! Off peak na yan ha!)
Pero di tungkol sa overseas call ang sasabihin ko...Ang sasabihin ko yung tungkol sa napanood ko sa PIPOL (na pilit ipinanood sa kin ni adik!Joke!) Yung unang episode na tungkol sa kasal ng katulad natin ng pananampalataya (Amen!)
Ang kwento ganito...Long distance relationship sila...yung isa nasa Germany, yung isa nasa Israel...nagkakilala sa chat...naging mag-UN...pinuntahan nung nasa Germany yung gf nya na nasa Israel pero bumalik sya ulit ng Germany...Di nakayanan ni gf na nasa Israel yung sitwasyon (hirap nga kasi ng long distance, nakakapraning!) kaya nakipagbreak dun sa taga Germany...tpos umuwi na ng pinas si gf na taga Israel e nagkataon umuwi rin ng pinas si taga Germany...pinagtagpo ulit sila ng tadhana...dun nila narealize na mahal pala talaga nila yung isa't isa...back to square one si taga Germany kasi niligawan nya ulit...tapos di pa ata natatapos ang araw, sinagot na ulit sya kaya mag-UN na ulit sila...e sabi nila pareho silang selosa...wala silang tiwala sa isa't isa kaya bago umalis ulit si taga Germany nagpakasal sila! They had the 'usual' wedding, gowns and all...ang pagkakaiba lang pareho silang girl...and both their families were there...with the usual rites and blessings...
So anong pinupunto ko?! Hmmm...ano nga ba?! Gusto ko lang sabihin na mahirap talaga ang long distance relationship PERO (a big BUT kasing laki ng kay JLo!) if both of you are willing to sacrifice, stay focused and committed in order to make the relationship work, it'll work! It takes two to tango! Pag ikaw lang ng ikaw ang bumabangka, kahit anong gawin mo, ala you're doomed! More than the love, kailangan ng trust! Magimbak ka ng marami nyan at baka maubusan ka sa tindahan! Hehe!
And in this kind of relationship, kailangan matatag ka...madami ka maririnig at madaming hindi makakaintindi (kasama na dun ang pamilya mo) pero kung ikaw naiintindihan mo, tanggap mo at sigurado ka sa sarili mo, it wont matter kahit ano pang marinig mo dahil dapat mas malawak ang pang unawa mo kesa sa kanila. Live and let live.
...
..
.
Baby, even if we wont ever get the chance to marry the way they did, what we did last November is more than enough. You may never get the chance to wear a gown or walk in the aisle with both our families as our witness, but God as our witness is far better than any witness who ever lived. We may never have the chance to recite the usual marriage vows, but our words of promise and love; and our actions to do everything to make this relationship work is more important than anything else...And seeing the ring I wear around my finger everyday is enough proof that I am bind to you as you are to me...for life...