15 days.
Hala! Malapit na!
Madami pa akong dapat gawin pero ni isa wala pa kong nauumpisahan, except for my clearance. I already submitted my passport to immigration. Two days before my flight ko pa daw makukuha. No problemo.
Sa friday me gimik ang tropa. We're off to sealine. Makikijam sa sand dunes ng Qatar. Kelangan matuloy coz it's gonna be the first and the last time na makakapunta ko dun. Sa tinagal tagal ko dito, di pa ko nakakapunta dun. Better late than never.
Nakakatamad ng gumising sa umaga para pumasok. At anong oras na ngayon gising pa rin ako.
Ramadan na naman next week. And to all my muslim brothers & sisters, Ramadan Kareem sa inyo. After ramadan Eid na. Bakasyon grande na naman sila. Di na ko kasali nun kasi wala na ko dito by that time! Hehe!
Takot magutom si adik. Sabi ko sa kanya wag syang mag-alala dahil di ko naman sya gugutumin. Aba magwewelga ang mga anaconda namin pag nangyari yun! Hindi pwede! Paminsan minsan pede siguro ako tumambay sa Makati Ave. para me ipangdate! Mga 2 o 3 customer pede na! Joke! =)
Naranasan ko ng magkaron. Naranasan ko na rin ang mawalan. Ng pera. Kahit anong gawin mo bilog talaga ang mundo. Kahit na meron ka, me time na mawawalan ka or masho-short ka. Parang kapag me saya, meron ding lungkot. Minsan me pera, minsan naman wala. Ganun lang kasimple yun. Yin Yang. No big deal. Ang importante sa mga ganyang pagkakataon, matuto kang makuntento. Sabi nga ng nanay ko, 'wag mong hanapin ang wala. magpasalamat ka sa kung anong meron.' Yes ma.
Si adik ang manager at accountant ng milyong milyon naming anda! Ahaha! Sabi nya akala daw nya aabutin ng milyon ang maiuuwi ko! Mas malakas na AHAHAHA! Pucha kahit na ugatin ako dito at mag-expire na ang matres ko di aabot ng milyones yun noh! Wish ko lang!
Kung pwede lang magdonate ng matres, ginawa ko na! Uy ganda lahi namin ha. Pango nga lang. Ay, ako lang pala.
Pero takot talagang magutom si adik! Swear di kita gugutumin. Takot ko lang sa tatay at nanay mo. Baka di lang hambalos ang abutin ko! Hehe!
1:30 na ng madaling araw. 6:30 ng umaga sa pinas. Ako na dapat tulog na e gising pa. Si adik na dapat gising na e tulog pa. Baliktad ha. Pahirapan na naman gumising neto mamya.
Hay gusto ko ng twister fries ng McDo!