Thursday, April 28, 2011

Haunting

Alam mo ba yung feeling na kapag me biglang surprise recitation sa school tapos alam mong ikaw yung unang una tatawagin ng prof pero nagkataong wala kang alam?

Yung tipong haharap ka sa panel para sa revalida exam?

O yung may nakaschedule ka na interview at yung director o yung pinakamataas na tao sa department na yun ang makakausap mo?

Yung tipong magboboard exam ka or magta-take ng toefl exam kaya?

Ganyang ganyan ang nararamdaman ko ngayon. I dread going to that place kasi natatakot ako sa pwede kong maramdaman. Gusto ko na kasing kalimutan lahat ng sakit. Gusto ko ng mag-move on. Natatakot ako na baka pag nasulyapan ko yun bumalik lahat at mag-uumpisa na naman ako from scratch. Ayoko ng mag back slide. Medyo ok na ko e. Nakakaya ko na.

Iniisip ko nalang na siguro kailangan kong harapin. At siguro kapag nagawa ko yun magle-level up na ko...Sana...



.....
....
...
..
.

Mamaya lang kasama na kita. That's the only thing I look forward to. I can't wait to see you.




I adore my father. Pero hindi nya alam yun dahil hindi ko naman sinasabi sa kanya. Kahit kami lagi ang magka-away dahil pareho kaming strong personality, I look up to him like my hero. Kahit hindi ako lumaking kasama sya, taas ang kamay ko sa kanya dahil hindi ko nakita kahit isang beses na nahirapan o umiyak ang nanay ko dahil sa kanya. Nakikita ko lang na nahihirapan o umiiyak ang nanay ko kapag dumadating yung araw na ihahatid na naman namin sya sa airport para magtrabaho sa malayo. I don't think my father is perfect but I know he loves my mom more than anything. Hindi ko din alam kung nagkaron ba sya ng babae sa ibang bansa pero sa tingin ko hindi. Pag magkasama silang mag-asawa, nag-aaway o nagkakatampuhan din naman sila pero minsan dahil din yun sa pang-aasar ng tatay ko. Pero sya din naman ang sumusuko at uma-amo sa nanay ko. Sya din ang tumitiklop.

35 years na silang kasal this coming June. Alam ko mabigat sa tatay ko na maging malayo sa nanay ko pero that's life at tanggap nila yun. Kapag may pagkakataon naman na magkasama sila e hindi nila pinapalagpas yun. Sya ang driver at shopping buddy ng nanay ko. Ang nanay ko naman ang tagaluto at tagatimpla nya ng kape sa maghapon. It works for both of them.

Tahimik na tao ang tatay ko. Ang buhay nya trabaho at bahay lang at minsan shopping pag kasama nya ang nanay ko. Mabibilang ko sa daliri ko kung ilang beses ko lang syang nakitang nakipag-inuman o sosyalan. Pati ata yun minana ko. He doesnt have many friends but he has a few that I know he trusts at kontento na sya dun. Sila lang talaga ng nanay ko ang best buddies but they're happy.

I adore my father. I adore him because he showed me how to treat my woman good. He instilled in me the importance of faithfulness, of trust, of respect, of forgiveness, of loving with all your heart, of making relationship work, of being the bestfriend of your wife and of keeping promises.

The way I love is the reflection of how he is...And I hope somehow I am making him proud.


Tuesday, April 26, 2011

Heart of the Matter

...Committed love does not say "finish" before the last act is played out. It gives us the strength to tough out bad times in the hope of better times. Committed love does not throw in the towel before the fight is really over. It holds on. And while it holds, it energizes, it keeps your strength to keep the door open for the day when new beginning is possible. It is forgiveness that supplies the healing stream of the long term tomorrows.

...The only way to heal the pain that will not heal itself is to forgive the person who hurt you. Forgiving stops the reruns of pain. Forgiving heals your memory as you change your memory's vision.

...So we shall ask: why forgive? And we shall answer: Because forgiving is the only way we have to a better fairness in our unfair world; it is love's unexpected revolution against unfair pain and it alone offers strong hope for healing the hurts we so unfairly feel.


.....
....
...
..
.
I FORGIVE YOU baby


Monday, April 25, 2011

Bleed

When hurt turns red and a piece of your heart is missing. When the cold bites deep and you’ve got that feeling like you just got out of surgery. When the only way to stay sane is to concentrate on anything else but how you feel. When you count the tiles in the ceiling. When you push the earphones closer. When the first day of winter arrives. When you remember every nuance of every word of every time. When all this happens.

Embrace it. Feel every feeling. Cry every tear. Sob every sob. Because this is what it feels like to have loved.


Dear Ellyn

I enjoyed our weekend. Sana weekends nalang lagi. Di bale after 4 days magkikita na ulit tyo. That gives us something to look forward to. I hope and pray that things will get better everyday. I have faith that it will as long as we both want it to be better. I am really hoping that whatever conflict you have within yourself was already settled. Sana nahanap mo kung ano man yung hinahanap mo sa buhay at sana narealize mo yung mga bagay na kailangan mong marealize.

I missed you...I missed my best friend, my partner in crime, my soulmate. I'm just glad that you're back and I hope you've learned, you've grown and became a better ellyn than before. Tama sila, sometimes we must get hurt in order to grow. Sana lang talaga me kahinatnan lahat ng sakit na idinulot ng bangungot na 'to. This can make us or break us. I chose it to make us. Sana ganun ka din.

We'll make new memories. We'll take lots of pictures. We'll travel together. We'll eat out and try new things. We'll shop till you drop. We'll drive anywhere. Basta kasama kita ayos lang ako.

You're still the only one I want to grow old with...

MAHAL NA MAHAL KITA.


Thursday, April 21, 2011

bipolar

minsan iniisip ko baka kailangan ko ng magpadoktor. me araw na ok ako at me araw na hindi. para akong me alzheimer's na nagsu-sun downer. sana nga me alzheimer's nalang ako para makalimutan ko yung mga bagay na naalala ko na nagbibigay ng sakit sa kin. masakit pa din sa dibdib. ayoko na maalala...ayoko na pag-usapan pero kahit anong pigil kong di ungkatin, pagdating ng hapon naaalala ko pa din. masokista talaga ako, tinoturture ko lagi ang sarili ko. bakit ako ang kelangang mag-suffer? bakit hindi yung taong bumastos sa pagkatao ko? naniniwala pa din ako sa karma. sana maging miserable sya habang buhay. sana lahat ng sakit na nararamdaman ko mula noon pa e maramdaman nya para kahit sa ganung paraan man lang makaganti ako sa kanya. magkita nalang kami sa finals.

DABDA. denial, anger, bargaining,depression, acceptance. sana malapit na ko sa acceptance. konti nalang.

i never liked roller coaster pero ganun ang emosyon ko ngayon. taas-baba. siguro kelangan kong kumapit ng matindi para matapos ko hanggang dulo.

sana dumating yung araw na wala na akong maramdamang sakit.

gusto ko na ulit maging masaya...


Monday, April 18, 2011

Natatandaan mo ba...?

...nung una pa lang tyo magkakilala, ikaw ang pampagising ko sa madaling araw nung mga panahon na night shift ako sa trabaho...joke dito, joke doon...ikaw ang caffeine fix ko kaya nga kahit tanghali na at kelangan ko ng matulog e mulat na mulat pa din ako dahil sa mga kalokohan mo...Ted Hannah...natatandaan mo?

...nung una tayong nagkita...nagtaxi tyo mula NAIA hanggang Roxas Blvd at mahigit 300 ata ang binayad natin ke mamang taxi driver na ikinagulat mo sa mahal pero dedma, atat ka na sa kin e kaya go-ra na...

...na ginagawa ko lang quiapo ang qatar to manila makasama lang kita kahit isang linggo...

...na araw-araw paguwi ko sa trabaho noon, kahit na pagod at antok ako, dedma na basta lang makapagchat tyo kasi hindi mabubuo ang araw ko ng hindi ka nakakausap at nakikita man lang sa chat...

...nung unang una kitang pinadalhan ng package...gusto ko kasing ibigay sayo lahat ng kayang mabili ng pera...para kahit sa ganung paraan man lang nung time na yun maparamdam ko sayo na mahal kita at mahalaga ka sa kin...

...tuwing uuwi ako sayo, ayaw na natin matapos ang bakasyon ko kasi iyakan blues na naman yun...

...ang hirap hirap lagi dati kapag maghihiwalay na tyo...para tayong mga tanga kasi iyak lang tyo ng iyak kapag kelangan ko ng pumasok sa airport para magcheck-in...

...nung panahong umuwi ako for good galing ng qatar para matupad yung pangarap nating makapunta dito sa america...

....na noong taghirap tyo, kahit sa bahay lang tyo memerienda ng turon at pop cola, solb na basta magkasama tyo...

...na kahit sa sm valenzuela lang tyo namamasyal at nagkakape masaya ang buhay...

...nung panahong na-scam tyo na halos wala ng natira sa savings natin...sobra akong nag-alala kasi ayokong mamroblema ka sa pera dahil ako dapat ang nagpro-provide syo nun...

...na pinangako ko sayo na gagawin ko ang lahat para makasama kita dito sa amerika...na nangyari dahil sa pagpupursige nating dalawa...

...nung unang nagkita tyo dito sa houston, ang saya saya ko nun...walang paglagyan ang tuwa ko na at last makakasama na kita dito...

...nung nakapasa ka sa lahat ng exams mo...ako ang pinakasamasayang tao nun and i was so proud of you...

...nung andito ka at pinapasyal kita...gusto kong makita mo lahat ng nakita ko at makainan mo lahat ng nakainan ko...kaya medyo nalungkot ako nung hindi man lang kita naipasyal sa ibang lugar maliban dito sa TX...

...hindi ko alam kung natatandaan mo na sinabi ko sayo na sobra ang iyak ko nung umuwi ka na ng pinas after ng bakasyon mo kasi sobrang nalungkot ako mag-isa dito...

AT HIGIT SA LAHAT SANA NATATANDAAN MO...almost 6 yrs ago nung isinuot ko sa daliri mo yung sing-sing sa harap ng altar at ipinangako ko sa harap ng Dyos na iingatan kita, aalagaan at mamahalin habang buhay...



.....
....
...
..
.

Sana kapag maaalala mo yung mga bagay na yan, maramdaman mo kung gaano kita kamahal...

MAHAL NA MAHAL KITA


Wednesday, April 13, 2011

We help people when big things happen to them, when you see them getting hit by a car, when a brother or a sister or a father or a mother dies, we're there for them because we can see that death kills more than the person it takes. And yet, the people around us who die a little all the time, moment by moment, who require the least help, the smallest sacrifice, are the ones we ignore completely.
Dear Jen,

Hang in there. Go easy on yourself. There is more to life than this. Just accept what happened and live with it. In time everything will fall on its proper place. Keep on loving. Everything will be fine...One day at a time...

Tuesday, April 12, 2011

eternal sunshine

sana merong talagang kagaya nung sa pelikula na pwedeng mabura yung mga memories na hindi mo na gustong maalala pero iniisip ko kung mabubura yun na parang walang nangyari e di mababalewala din ang sakit na dinulot nun. oo gusto ko yun, kung pede lang na ganun pero kung iisipin mo, pag nangyari yun baka pati lessons na dapat mo matutunan e mabura din e di mababale wala lang lahat dahil malamang sa hindi e hindi ka matuto at uulitin mo ulit ang ginawa mo.

nangyari lang siguro ang dapat mangyari. sobrang sakit na tuwing naaalala ko dinudurog ang puso ko. natutulala na lang ako minsan sa isang tabi na tipong gusto ko ng iiyak lahat ng sakit para mawala na...kung band-aid lang ang katapat nun baka lahat ng band-aid sa mundo binili ko na...pero di ganun e. panahon lang siguro ang magpapakalma ng lahat.

sana narealize mo kung ano at sino ang importante sa buhay mo. madami ka pang makikilalang tao sa mundong 'to na magbibigay ng atensyon syo o panahon o pagmamahal pero hindi lahat sila kelangan mong sakyan o tanggapin...hindi ganun yun. kung talagang masaya ka sa partner mo, hinding hindi mo yun hahanapin sa iba at hindi ka magdadalawang isip na bitiwan sila.

pinagdadasal ko na malampasan natin to...ito na ata ang pinakamabigat na pagsubok na daraanan natin...sana nga eto na dahil dito pa lang durog na ko baka wala ng matira sa kin kapag me sumunod pa.

hindi na natin mababago ang nangyari. tapos na yun e. magfocus nalang tyo sa ngayon at bukas. basta sabay tyong makikipaglaban, kaya natin. wag mo na sanang hahayaang masira tayo ulit ng kahit sino. yun lang ang hinihiling ko sa'yo. simula ulit tyo sa umpisa. manligaw ka muna.

Wednesday, April 06, 2011

???

tama ka Bob Ong!

Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan. Imbis na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.Wag kang magpadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka" kung totoo yun, papatunayan nya.

Tuesday, April 05, 2011

Some days it seems like it'll never end

I am missing you so much it hurts...

Sunday, April 03, 2011

...

di ko alam kung dapat ko ipagpasalamat ang pagpunta mo dito kasi kung kelan andito ka saka naman tyo nagkakagulo. buti pa nung nasa pinas ka pa wala tayong issue. nung pagdating mo dito sa houston at nagkasama tyo ng ilang buwan, ok naman tayo. nag umpisa lang ang lahat paglipat mo dyan sa stamford...mula ng makilala mo yang kaibigan mo na laging tama sa paningin mo. tama ka, ayaw mo isipan ka nya ng masama...na wala kang kwentang kaibigan naiintindihan ko yun. pero parang palagi nalang ako ang mali kapag nasisita kita tungkol sa kaibigan mo na yan. pakiramdam ko mas mabuti na ako ang mawala sa buhay mo para magawa mo ang gusto mo kesa sya na kasama mong ginagawa ang mga yun. siguro nga iba lang tyo ng pananaw sa buhay. para sa'yo masyadong malaking kasalanan ang mahalin ka ng sobra. kaya nga ako iniwan nung ex ko diba kasi masyado ko syang mahal kaya kahit apat na beses na nya kong ginagago andun pa rin ako parang asong sunod sunuran sa kanya.

bakit ganun, kahit anong pagmamahal o pagbibigay ang gawin ko sa huli ako pa din ang mali...ako pa din ang iniiwan. hindi ako magiging sapat para sa'yo o sa kanino man. lalabas pa rin akong walang kwenta. naka-awa naman pala ako. ngayon ko nararamdaman ang awa sa sarili ko.

hindi ko alam kung kulang ako sa dasal. dati kasi araw araw kong dinadasal na hawakan Nya ang magkabilang kamay natin para matupad yung mga pangarap natin. hindi ko na matandaan kung kelan ko huling dinasal yun. ngayon, di ko alam kung anong idadasal ko...siguro na sana e malagpasan ko to, na makabangon ulit ako. yun siguro ang dapat dasalin sa ngayon. kahit alam mo na na mahal na mahal kita gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita pero wala kang karapatang saktan ako ng ganito. wag ka mag-alala sa kin magiging ok din ako. mahihirapan akong bumangon sigurado yun pero kakayanin ko.

Saturday, April 02, 2011

phone in question!

what do friends talk about at 3 o'clock in the morning, for crying out loud?! ayos talaga! kaya i hate you so much e! kelangan pa bang imemorize yan?! sya sige na, ikaw na! geeesh!